Lakbay Sanaysay: Sa Magandang Baybaying Dagat ng Baler, Aurora

Lakbay Sanaysay: Sa Magandang Baybayin ng Dagat ng 
Sabang, Baler, Aurora


Ang Baler ay isa sa sikat at kilalang dalampasigan na dinadayo sa probinsya ng Aurora sa Luzon. 
Sa aking paglalakbay sa lugar na ito ay nakita ko ang ganda at kahanga-hangang mga tanawin. Ito ay isa sa mga ala-ala ko na hindi makakalimutan sapagkat ito ay isa sa mga may kabuluhang karanasan na nangyari sa aking buhay. Hindi lamang kalikasan o mga tanawin ang aking mga nasilayan sa lugar ng Baler, Aurora. Higit rito, nadama at nakita ko ang respeto, disiplina at galing ng bawat tao sa lugar na aking pinuntahan. Ito ay naganap noong Hulyo 31, 2022, kasama ang aking pamilya.


Ang lugar o dalampasigan ng Sabang, Aurora, Baler, ay tinuturing na "Magandang Baybaying 
Dagat ng Baler, Aurora". Kung saan ang mga alon ay nagmumula sa malayo upang yakapin ang
puting buhangin. Sa pagpunta namin dito, ako, kami, ay hinihila ng agos ng kakaibang pagmamahal
at pagkamangha sa kalikasang mayroon ang lugar na ito. Ito ay isang dahilan na nagbigay sa akin,
at sa aking pamilya ng isang kasiyahan. Ang lugar na ito ay para bang sumasayaw sa ritmo ng karagatan, at sinusundan ng mga alon na mayroong paggalang. Ang ngiti ay patuloy na namumutawi
sa bawat labi ng aking mga mahal sa buhay. Marahil itong lugar na ito ay isa lamang karanasan sa bawat tao. Ngunit ang kagandahan ng Magandang Baybaying Dagat ng Sabang, Baler ay isang pook ng kalikasan at kagandahan na patuloy na magiging isang karangalan at dala-dala ng bawat tao ang isang mala-kaharian na kaligayahan sa lugar na ito.


Sa aking paglalakbay na ito, ako ay nagkaroon ng karagdagang kaalaman. Ito ay sa bawat paglalakbay, ano mang lugar o ito man ay hindi kilalang lugar, patuloy na dalin ang ala-ala at kasiyahan na ating naranasan. Sa mundong ibabaw, ako ay naniniwala na sa bawat aspeto ng buhay ay patuloy nating piliin ang kaligayahan. Ang bawat paglalakbay ay gawin nating motibasyon at inspirasyon na patuloy na maglayag sa mundong ito. Ang Sabang, Baler, Aurora ay isa sa mga lugar na tatanggapin ka at yayakapin sa gitna man ng dilim. Ito ay isa sa lugar na nagpakita sa akin ng isang kapayapaan, kaginhawaan at katatagan. Kagaya na lamang ng isang alon, marahil ang pag-alsa at pagbagsak, ay bahagi ng paglalakbay ng tao.






Comments

Popular posts from this blog

BAYAN NG DINGALAN